Monday, September 13, 2010

BOBONG PINOY at AKO

(written for facebook last may 20, 2010)


Sa wakas, pagkatapos ng sampung taon ng paghahangad na makakuha ng kopya ng mga librong sinulat ng Webmaster ng BOBONG PINOY na itago nalang natin sa alyas na ROBERT ONG at BOB ONG ay mayroon na akong tatlong libro. Mantakin mo 'un walong taon, nalipasan na ng taon ang mga binubokbok na libro sa bulok kong book shelf ay hindi pa rin iyon nalalamnan ng mga librong sumasalamin sa akin bilang isang Pilipino. At eto pa, dahil naaasar na ang nanay ko sa sandamakmak kong libro~~~daw~~~ (400 titles palang naman un ah, according sa huling bilang ko!) yung binili kong dalawang libro kahapon ay tinago sa binili kong manila paper. Bumili talaga ako ng manila paper para lang dun!!! Kung itatanong nyo kung paano ko naitago yung isa, ndi ko itinago sinabi ko lang na hiniram ko... wag lang magpunta sa amin si Ma'am Karen (co-teacher ko) dahil isusumbong daw niya ako.

Pagkatapos ng sampung taon, meron na akong tatlong sipi ng mga libro ni Bob Ong. Sabi ko pa naman dati, paborito ko syang manunulat na Pinoy eh ni hindi pa nga ako nakakabasa kahit isa sa mga libro niya samantalang kabi-kabila ang Sofia, Sonia Francesca, Rose Tan, Martha Cecilia at Vanessa na ang nabili, nabasa, napapalitan kong mga libro. Natapos ko na rin ang Harry Potter 1-7, ang tatlo sa mga librong Science Fiction ni Micheal Crichton, ang mga librong Celestine Prophecy, Sophie's World at ibang pang librong nabanggit sa Stainless Longganisa, Angels and Demons, Da Vinci Code at kung ano- ano pang libro na, oo, inaamag na sa taguan ko.

Nakakahiya mang aminin pero AKO ay isa ding Bobong Pinoy. Bobo sa paninindigan, bobo sa kinalakhan, bobo sa nararamdam, at bobo sa pananaw na kaya naming baguhin dahil alam ko naman... sabi ko nga lagi sa mga estudyante ko... "IF YOU KNOW THAT YOU ARE WRONG THEN YOU ARE ONE STEP TO BEING RIGHT!" Kaya ba natin? OO naman, papayag ba tayong habang buhay na maging Bobong Pinoy? HINDI!!! (parang nagwewelga lang sa Ermita)

Sampung taon na ang lumipas ng mailimbag ang unang 'ABNKKBSNPLAko?', sampung taon na din na kung ano ang kinagisnan ay nararamdaman pa rin sa ngayon... ang tanong, ilang taon na kaya ang lumipas ng maranasan ni Bob Ong ang mga karanasang isinulat niya sa kanyang mga libro, hindi ba NAKAKAHIYA na sa paglipas ng panahon, mapa-10 man yan, walo, lima, isa, o kung dalampung taon na o na sa palagay ko ay higit pa ang nakalipas ay naranasan ni Bob Ong ang mga makabagbag damdaming karanasan niya ay dinaranas pa natin hanggang ngayon? Ganun ba talaga? Wala pa rin bang pagbabago??? Ilang libong libro na ba ni Bob Ong ang nabili mula sa mga bookstore? Ibig bang sabihin BOBONG PINOY pa rin tayo???

Tinanong sa akin kanina ng aking estudyante kung sa palagay ko raw ba ay nabasa ni Gloria ang mga libro ni Bob Ong, ang sagot ko SANA!!! Pero naisip ko ngayon, 'kung ganun nga, bakit wala pa ring pagbabago?'

Gustuhin ko mang tapusin ito na may maibibigay na suhestyon para maging isang MATALINONG PINOY ay wala akong maisip kasi isa rin akong BOBONG PINOY, realisasyong mahirap man tanggapin ay totoo. Isa akong BOBONG PINOY na tumawid sa gilid ng Pedestrian Lane kahit pwede namang sa gitna, nagtapon ng plastic sa labas ng jeep, ngumatngat ng bubble gum at nilagay sa ilalim ng mesa, nag-iwan ng balat ng kendi sa upuan ng simbahan, nakipagsuntukan sa mga lalaking klasmeyt nung elementary, sinubukang maging coño nung college, nagbasa ng mga magazine hanggang lumabo ang mata, at nagsusulat dito na parang nagsusulat para sa isang sikat na libro at nagfi-feeling-filingan.

~~~END~~~

sana hindi ito magmukhang sulat ni Bob Ong dahil ayokong mapagkamalang nag-pa-plagiarism.

1 comment:

  1. hehe will ako aksidente lang ang pagkakakilala sa mga libro ni BO..pala mahal lang talaga ako ng mga librong may sense..1 daysa nat'l bookstore naisipan ko na lang na instead of buying foreign books eh why not pionered 1st our own authors,diba?!
    kaya basa basa sa Phl. lit. section..
    at parang na curious ako sa mga books ni BO kaya i bought it pero hindi ko talaga alam ang laman nito..umasa at naniwala lang ako na may mga filipinong author na mas may sense kesa sa mga foreign..at WAHLAHHHH!!nagustuhan ko..saka inspiring and full of critism sa sarili ang books nya pro oke lang totoo naman diba??saka mas namulat nga ako dahil doon...hehe salamat dito sa site mo..sana maging mgkaibigan tayo..hope sooo..thanks again..

    ReplyDelete